Wonder and Wander in Rizal

Wednesday, November 30, 2022

Nagsagawa ng Tourism Site Validation ang Planning and Development Division ng Cagayan Tourism Office sa bayan ng Rizal kahapon, November 29, 2022 para sa nalalapit nitong paglulunsad sa bagong tourism circuit sa Cagayan, ang TRIP Circuit ng Southwest Cagayan na kinabibilangan ng Tuao, Rizal at Piat.

Kasama ang ibang tourism representatives ng Tuao at Piat na pinangunahan ni John Frey Bauag, ang Municipal Tourism Officer ng Rizal, ang pagbisita sa mga ilan nitong mga tourist attractions na inihahanda para sa mga darating na turista. Layunin ng validation na ito na pag-ibayuhin ang paghahanda sa site para sa kaginhawaan at kaligtasan ng mga turista.
Ilan sa mga pinuntahan ng validation team ang Crab Pool, Bluewater Spring, Zip Bike, Cable Car at ang Malaueg Church. Sa ngayon hindi pa bukas ang karamihan dito upang bigyan daan ang paghahanda para sa mas maayos na tourism circuit sa Bayan ng Rizal.
 
Written by: Norway Ken Jesus