Paskuhan sa Tuao, Cagayan

Monday, November 28, 2022
Ramdam na ba ninyo ang Pasko? Dito sa Tuao, ramdam na ramdam! Nitong gabi ng Nobyembre 27, 2022, pinailawan na ang malikhang paggawa sa Paskuhan Village at Giant Christmas Tree sa Tuao East, Cagayan, kasabay ang makulay at makislap na fireworks display.
Sa talumpati ni Governor Manuel M. Mamba, kaniyang inihayag ang lubos na paghanga at pasasalamat sa bayan ng Tuao. Ibinahagi ng ating mahal na Governor ang kanyang pagkagalak sa walang sawang pag suporta at pag taguyod ni Mayor William N. Mamba sa bayan at mga mamamayan ng Tuao.
Ang Local Government Unit ng Tuao ay naghandog ng samu’t-saring aktibidad para sa pagdiriwang ng kapaskuhan ngayong taon. Isa na rito ang nakakamangha na dance competition na ipinakita ng iba’t ibang elementary schools sa Tuao East. Nagkaroon rin ng masayang ballroom dance para sa ating Governor at iba pang mga dumalong opisyales.
Maliban doon, mayroon ding musical band, Christmas bazaar, at libreng Christmas photobooth na ikakatuwa at babalik-balikan ng mga bumibisita. Mapapa-wow ka talaga sa saya sa Tuao!
Ano pa ang hinihintay niyo? Tara na sa bayan ng Tuao kung saan endless ang FUN!