Pagbubukas ng Agos ng Sining Art Exhibit ng Cagayano Artists Group Inc. (CAGI)

Saturday, February 11, 2023
Dinaluhan ng Unang Ginang ng Cagayan na si Atty. Mabel Villarica-Mamba bilang panauhing pandangal sa pagbubukas ng Agos ng Sining Art Exhibit ng Cagayano Artists Group Inc. (CAGI) sa SM Center Tuguegarao Downtown kahapon, February-10, 2023.
 
Kasama ni Atty Mabel Mamba ang Cagayan Museum Curator na si Niño Kevin Bacling, CAGI President Lucio Taguiam Jr. at SM Center Asst. Floor Manager Mateo Pamittan.
Ang art exhibit na ito ay bahagi ng National Arts Month at anibersaryo ng “I Love Cagayan River” Movement ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. Ito rin ay magiging plataporma ng mga Cagayano upang paunlarin ang sining at kultura sa probinsya.
 
Magbubukas din sa Robinson’s Mall at SM City Tuguegarao ang Agos ng Sining exhibits sa ika-15 at ika-20 ng Pebrero.
 
Written by: Edzeline Bangayan