Visitor’s Pavilion sa Bangag, Lal-lo, bukas na para sa mga biyahero
Pormal nang binuksan ngayong araw ng Biyernes, ika-6 ng Mayo ang Lal-lo Visitors’ Pavilion. Sa pagbubukas nito, binigyang basbas at nagsagawa ng inagurasyon na pinangunahan ni Gob. Manuel Mamba kasama si EnP Jenifer Junio-Baquiran, ang Officer in-charge ng Cagayan Tourism Office.
Ang mga pavilion na nakakalat sa Probinsiya ang magsisilbing panandaliang pahingahan at bilihan ng lokal na pasalubong ng mga turista at biyahero. Kasama na rito ang libreng kape at malinis na palikuran para sa lahat.
Isa lamang ang Lal-lo Visitors’ Pavilion sa unang limang pavilion na ipanatayo sa iba’t- ibang bayan ng Probinsiya. Naunang nagbukas ang OTOP hub sa Nassiping, Gattaran, sumunod ang Pavilion sa Capitol Complex at Zitanga, Ballesteros. Magbubukas na rin ngayong taon ang isa pang pavilion sa Anquiray, Amulung.
Sa ating mga biyahero, mag-iingat sa daan at magpahinga sa ating mga pavilion upang maiwasan ang anumang mga sakuna.
Isang paalala mula sa Pamahalaan ng Probinsiya ng Cagayan at ng Cagayan Tourism Office.
#CagayanTouREADsm #Cagayan #CagayanProvince