Training para sa mga Tour Guides sa Cagayan, nagsimula na ngayong araw

Tuesday, May 10, 2022

Isa ang Community Tour Guides Training sa mga programa ng Pamahalaang lokal ng Cagayan sa pamamagitan ng Cagayan Tourism Office para sa mga iba’t ibang LGUs ng probinsiya na kasalukuyang idinadaos ngayong araw ng Martes, ika-10 hanggang ika-16 ng Mayo sa Hotel Ivory, Tuguegarao City, Cagayan.

Layunin ng pagsasanay na ito na mas mabigyan pa ng tamang kaalaman ang mga magsisilbing gabay ng mga turista sa kanilang pagbisita sa probinsiya.

Kasama rin sa pagsasanay ang Department of Tourism – Region 2 Office na silang mag accredit sa mga magsisipagtapos na kalahok.

#CagayanTouREADsm #Cagayan #CagayanProvince #Cagayano

GALLERY