Synchronized Coastal Clean-up Drive

Monday, July 17, 2023
SYNCHRONIZED COASTAL CLEAN-UP DRIVE
 
Bilang bahagi ng 440th Aggao ng Cagayan, isinagawa ang Synchronized Coastal Clean-up Drive sa mga dalampasigan ng mga bayan ng Buguey, Aparri, Gonzaga, Claveria, Sta.Ana, Ballesteros, Pamplona, Abulug, at Sanchez Mira.
 
Layunin ng aktibidad na ipalaganap sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng pagpapanatiling ‘garbage free’ ang ating mga dalampasigan upang maprotektahan din natin ang ating yamang dagat.
 
Pinangunahan ng Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO) ang naturang aktibidad na nagsimula ng 5:30 ng umaga.
 

.

Written by: Jamae Villafuerte