Sitio Pananacpan, bagong pasyalan sa Cagayan

Thursday, March 10, 2022

Pormal nang binuksan ng Santa Ana Tourism at CEZA Tourism ang bagong pasyalan sa silangang bahagi ng probinsiya. Ito ang Sitio Pananacpan ng Brgy. Patunungan, Santa Ana. Mapupuntahan ito sa hilagang bahagi ng bayan na katabi rin ng tanyag na Sinago Cove. Ito ay may habang mahigit tatlumpung kilometro mula sa national highway at mararating naman gamit ang 4×4 na sasakyan.

Ang bagong pasyalan na ito ay isa ring white sand beach na may kasamang trekking papunta sa viewdeck upang matanaw ang kabuuuan ng sitio. Bilang paghahanda sa mga darating na turista, binuo ng komunidad ang Pananacpan Eco-Tourism Association (PETA) na silang magsisilbng tagapangalaga sa kalinisan at kaayusan sa pagpapatupad ng regulasyon at polisiya para sa mga bibisita.

Ilan sa mga maaaring gawin dito ay ang mga sumusunod:

– Swimming
– Kayaking
– ATV Riding
– Trekking
– Snorkeling
– Rock Formation Hoping

Ang Pananacpan ay itinuturing pa lamang na isang Day Tour Destination dahil wala pa itong DOT Accredited Tourism Establishments. Para sa mga nais pumunta kailangan muna ng koordinasyon sa Santa Ana Tourism Office dahil limitado pa lamang maaaring bumisita rito.

Santa Ana Tourism: 0916 743 1280

#CagayantouREADsm #Cagayan #CagayanTourism #WelcomeBacktoCagayan #Pananacpan #SantaAna

GALLERY