SHARE
PGC, PINANGUNAHAN ANG SEMINAR-WORKSHOP PARA SA 2023 CMCI SURVEY
Wednesday, May 17, 2023
Pinangunahan ng Provincial Government of Cagayan (PGC) katuwang ang Department of Industry (DTI) Cagayan at Department of Interior and Local Government (DILG) Cagayan ang Seminar Workshop sa 2023 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) Survey para sa probinsiya ng Cagayan na ginanap kamakailan sa Las Palmas de San Jose, Bagay Road, Tuguegarao City.
Ang CMCI Survey ay taunang ranking ng mga siyudad at munisipalidad sa buong bansa na nakatuon sa apat na mahahalagang “pillars” kabilang dito ang Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, at Innovation.
Ang provincial rankings naman ay naka-base sa populasyon at income weighted average ng kabuuang scores ng lahat ng siyudad at bayan sa ilalim ng isang lalawigan.
Halos 100 na kalahok ang dumalo sa seminar-workshop na kinabibilangan ng CMCI Focal Persons, Business Permits and Licensing Officers (BPLOs), MPDOs, LEDIPOs at Municipal Local Government Operations Officers (MLGOOs) mula 28 bayan at isang siyudad ng Cagayan. Kasama din ang ilang mga empleyado mula sa PGC, DTI, and DILG.
Sa naganap na seminar-workshop, nagkaroon ng orientation o refresher ang mga kalahok sa CMCI at nagkaroon din ng presentasyon sa mas epektibong data gathering at data entry sa CMCI portal.
Tinalakay din ang iba’t ibang mga hadlang o gaps sa pagsasagawa ng data inputs gaya ng kakulangan sa datos, at nagkaroon din ng pagkakataon na mag-benchmark sa ibang LGUs.
Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran ang Officer-in-charge ng Cagayan Tourism at ang LEDIPO ng lalawigan, napakahalaga ng CMCI Survey sapagkat isa itong “tool” sa planning at investment.
Aniya, ang survey na ito ay nakakatulong sa pag-aanalisa sa estado ng lalawigan sa pamamagitan ng apat na “pillars” nito at malaki ang impact ng mga datos ng survey, lalo sa pagpaplano at sa paghahanap ng solusyon sa mga nakikitang “gaps” sa ilang areas nito.
“Ang CMCI ay isang holistic survey at malaki ang impact nito especially sa planning purposes kung saan nakikita natin ang current na status ng mga bayan at siyudad, maging ang lalawigan sa iba’t ibang larangan.
Nakikita din natin dito ang mga pagkukulang na dapat pang gawin at nagkakaroon tayo ng pagkakataon para mag-analisa ng mga solusyon na kailangan tulad ng pagpapatayo ng bridges, road networks, at economic hubs sa iba’t ibang lugar na nangangailangan nito,” sambit ni Junio-Baquiran.
Ayon pa kay Junio-Baquiran, mahalaga din ang CMCI survey sa investments dahil nakikita din ang kapasidad natin sa human capital at sa pagbibigay ng mga resources na maaaring kailanganin.
Ito din ay mahalaga sa Seal of Good Local Governance (SGLG) na isinasagawa ng DILG para sa mga LGUs.
Sa kabilang banda, aniya, nahirapan ang ibang kalahok sa data gathering at analysis, kung kaya’t puspusan ang kanilang paghahanap sa iba’t ibang resources upang mapunan ang mga forms na kailanga para makumpleto ng lalawigan ang CMCI survey.
Tinuruan ang mga kahalok kung paano mag-input ng data sa portal ng CMCI survey. Ang deadline nito ay bukas, April-30.
Bukod sa mga LGUs, ang mga datos sa survey ay magagamit din ng ibang mananaliksik, estudyante, at ibang indibidwal na nangangailangan ng datos, kaya nakakaganda at napakahalaga ng survey na ito dahil nagiging tool ito para lahat,” pagtatapos ni Junio-Baquiran.
.
Written by: Mia Baquiran
Latest Posts
-
October 30, 2024
-
October 30, 2024
-
October 30, 2024
-
October 30, 2024
-
October 30, 2024
-
October 09, 2024
-
October 09, 2024
-
October 09, 2024
-
October 09, 2024
-
October 09, 2024