Isla ng Palaui, Masisilayan mo nang muli
Pagkatapos ng halos dalawang (2) taong pamamahinga ng isla dulot ng pandemya, pinasinayan na kahapon, March 08, 2022 ang muling pagbubukas nito sa mga turista. Bakas naman ang tuwa ng komunidad ng isla na umaasa sa sigla ng turismo dahil maibabalik na muli ang kanilang pangunahing kabuhayan.
Kasabay ng pagbubukas nito ang paglatag ng Protected Area Management Board (PAMB) ng mga bagong guidelines para sa mga bibisita. Kabilang dito ang pagsakay lamang sa mga accredited motorboats na pinamamahalaan ng Palaui-Santa Ana Motor Boat Association (PASAMOBA), pagbisita sa isla na may kasamang accredited tour guide, hindi pagkakalat at marami pang iba.
Nanumpa naman ang mga bagong Palaui Environment Protectors Association (PEPA) Officers na silang opisyal na tagapangasiwa sa isla na nagpapanatili ng kaayusan at implimentasiyon ng mga guidelines at protocols sa mga Tour Guides, Caterers, Homestay Owners, at mga Boat Owners.
Bilang paghahanda, nagsagawa naman ang Cagayan Tourism Office kasama ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ng site validation noong Sabado, March 5, 2022 upang siguruhin ang kahandaan ng isla para sa mga turista. Matatandaan na ang isla ay nakilala sa buong mundo dahil sa dalawang beses na pagganap dito ng isang sikat na US reality show na “Survivor”. Minsan na rin itong pinarangalan ng CNN bilang isa sa top 10 raw beaches in the world. Mapupuntahan ang Isla ng Palaui sa loob ng tatlong oras na biyahe mula sa siyudad ng Tuguegarao City. Para sa mga turista na manggagaling ng Manila, isang oras naman ang flight via Cebu Pacific (MNL-TUG) na ngayon ay bumibuyahe na araw-araw. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero:
Santa Ana Tourism
0916 743 1280 (Main hotline)
CEZA Tourism
0965 198 8801 (Inquiry)
Protected Area Management Office
0995 926 1450 (Feedback)
#CagayanTouREADsm #Cagayan #WelcomeBacktoCagayan #Yourislandsandvalleyoffun #PalauiIsland