Ang Engrandeng Pagbabalik ng Apit Festival ng Allacapan, Cagayan
Matagumpay na idinaos ng Allacapan ang Apit Festival bilang isa kanilang selebrasyon sa ika-77 anibersaryo ng bayan.
Matapos ang 2-taong pandemya at sunud-sunod na baha ngayong taon, bakas pa rin ang masayang mukha ng mga Allacapeño sa kanilang pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Isa sa mga selebrasyon na ginanap ang paligsahan sa Street dance bilang kanilang selbrasyon ang Apit Festival.
Ang salitang “Apit” ay isang salitang Iloko na ang ibig sabihin ay “Ani”. Ang Apit Festival ay isang pagdiriwang ng pasasalamat sa Diyos sa pagbibigay ng masaganang ani sa mga magsasaka. Ito ay dahil ang Bayan ng Allacapan ay isa mga may malalaking produksiyon ng palay, saging at pinya sa Probinsiya. Naging pagpupugay rin ito sa kanilang mga ninunong Agta na unang tumira at nagsaka sa kanilang lugar. Ito ay isa ring paraan upang maibahagi at maipahayag ang galing at talento ng mga kabataan na magsisilbing pangunahing atraksiyon sa mga turista na dadalo sa kanilang bayan.
Ang Apit Festival Street Dance competition ay nilahukan ng 7 paaralan sa Bayan ng Allacapan. Nasungkit muli ng Utan Integrated School (UIS) ang titulo sa paligsahan. Ito na ang ikatlong beses na panalo UIS sa naturang kompetisyon.
Historical naman ang pagkakapanalo ng Cataratan Integrated School, dahil sa mga nagdaang taon ay hindi nakakapasok ang mga ito sa TOP 3, subalit ngayong taon, nasungkit ng mga ito ang 1st runner-up.
Makasaysayan din ang pagkakapanalo ng Pacac Integrated School na naging 2nd runner-up dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong sila’y sumali sa ganitong kompetisyon, na maituturing na highlight ng aktibidad tuwing ipinagdiriwang natin ang pagkakatatag ng bayan ng Allacapan.
Samantala, binati naman nina Mayor Harry D. Florida at Vice Mayor Yvonne Kathrina S. Florida ang mga nanalo na namuhunan ng dugo at pawis upang makapagbigay saya sa bawat Allacapeños.
#NaisemNgaAllacapan #allacapeñotayodisiplinado #endlessfuncagayan #Cagayan #CagayanProvince #visitcagayanph
-
July 18, 2024
-
February 02, 2024
-
February 02, 2024
-
February 02, 2024
-
February 02, 2024
-
February 02, 2024
-
February 02, 2024
-
October 17, 2023
-
October 17, 2023
-
October 03, 2023