33rd Philippine Travel Mart, Dinaluhan ng Cagayan Tourism Office

Wednesday, October 5, 2022

Dumalo ang Cagayan Tourism Office sa ika-33rd Philippine Travel Mart sa SMX Convention Center, Pasay City na ginanap noong September 30 hanggang October 2, 2022.  

Ang Philippine Travel Mart ang pinakamalaki at pinakamahabang travel fair sa Pilipinas na inoorganisa ng Philippine Travel Operators Association (PHILTOA) na naglalayong tipunin ang mga iba’t  ibang Tourism Stakeholders sa bansa upang ipakilala at ibenta ang mga tourism circuits at packages sa mga turista. 

Sa pangunguna ng Department of Tourism – Region 2 Office , ibinida nito ang dalawang bagong launched circuit sa Probinsiya ng Cagayan. Ang Zininaga Nat Tuguegarao, isang City Heritage Tour ng Tuguegarao City at Santa Ana: Your Adventure Paradise Tour Package. Kasama din sa mga ibang tour packages ang mga launched circuits ng karatig probinsiya ng Rehiyon.  

Nagpamalas rin ng galing sa pagtugtog ang mga Cagayano Harpists mula sa bayan ng Lasam, Ballesteros, at Pamplona sa ginanap ng exhibitors’ presentation ng Rehiyon. Paggawa at pagtugtog ng alpa o harp ang isa sa mga ipinagmamalaki ng Cagayan pagdating sa Musika. Ito ay isang patunay na ang Probinsiya ng Cagayan ay mayaman rin sa kultura pagdating sa larangan ng musika. 

Bagama’t hindi kasama ang Cagayan ngayong taon bilang exhibitor, pinaghahandaan naman nito ang muling pagsali sa susunod na taon kasama ang mga bagong launched tourism circuit ng Cagayan Southwest, Northwest at Northeast at iba pang produkto ng probinsiya. 

#Cagayan #CagayanProvince #endlessfuncagayan #visitcagayanph

GALLERY

Written by: Norway Ken Jesus