Los Tesoros del Archivio Cagayano Exhibit Binuksan ng Cagayan Museum and Historical Research Center

Monday, May 30, 2022

Ang Los Tesoros del Archivio Cagayano Exhibit na pinangungunahan ni G. Niño Kevin Baclig, ang Museum Curator ng Cagayan Museum and Historical Research Center ay naglalayong maibahagi sa mga Cagayano at mga turista ang kahalagahan ng kasaysayan at kung paano ito hinulma ang ating kasalukuyang tradisyon at kultura.

Ang Museo ng Cagayan ay tahanan din ng mga daang taong sulat na nagsasalaysay, at naglalarawan sa mga tradisyon, kultura at kasaysayan ng Probinsiya noong panahon.

Isa itong maituturing na mga pinakaimportanteng yaman ng Cagayan bilang pagpapatunay na ang probinsiya ay may mga katibayan sa kasaysayan nito. Ito rin ay mahalaga para sa mga dalubhasang mananaliksik dahil para sa kanila,

“Walang Katibayan, Walang Kasaysayan”

Bahagi ang exhibit na ito bilang isa sa mga selebrasyon ng National Heritage Month ng bansa ngayong Buwan. Maaaring bisitahin ang exhibit mula May 7 hanggang June 31, 2022, alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

#CagayanTouREADsm #Cagayan #CagayanProvince #EndlessFUNCagayan

GALLERY

Written by: Norway Ken Jesus