Nagsimula sa dalawang surfing board mula sa isang Amerikanong turista noong dekada ’80

Tuesday, March 29, 2022

Ipinagpatuloy ng 40-50 local surfers sa kasalukuyan. Ito ang kuwento ni Erwin Meram, ang presidente ng Aparri Surfing Community at isa sa mga kauna-unahang local surfers sa bayan ng Aparri.

Ang surfing ay isang kilalang water sport na nagsimula sa bansang Peru. Gamit ang surfing board, tatayo at magbabalense ang surfer na sasabay sa mga alon habang magpapakitang gilas ito ng mga kakaibang tricks. Ang paglalaro ng surfing ay kinakailangang may hanggang tatlong (3) metrong taas na alon ng dagat. Isa ang Punta Beach sa Bayan ng Aparri dito sa probinsiya ang nakitaan ng mga surfer enthusiasts na may potential spot para sa surfing.

Sa kasalukuyan, patuloy na binubuhay ng komunidad ang larong ito at umaasang magiging susunod na surfing spot sa bansa. Isa sa mga plano ng komunidad ang kanilang pagsasanay upang magkaroon licensed Surfing Instructor para sa mga darayong turista at mga gustong sumubok sa larong ito. Kasama na rin dito ang pagdadagdag pa ng mga surfing boards para sa mga local surfers upang mas mahikayat pa ang mga kabataan sa paglalaro.

Cagayanong atleta sa larangan ng surfing— Ito ang pangarap ng komunidad na balang araw, iwawagayway ang bandila ng Cagayan sa loob at labas ng bansa.

Local Surfers: Aparri Surfing Community
Inquiries: Aparri Municipal Tourism Office
ASC President: Erwin Meram (0905 938 5489)

#CagayanTouREADsm #SeayouinCagayan #Cagayan #CagayanProvince #IloveCagayan

GALLERY