Tumanggap ng Parangal ang Probinsiya ng Cagayan at mga Tourism Frontliners sa Regional Tourism Forum

Wednesday, June 1, 2022

Awards Night na idinaos ng Department of Tourism R02 sa Isabela Convention Center, sa Cauayan City kahapon, ika-31 ng Mayo, 2022.

Makalipas ng dalawang taong pandemya, muling ginunita ng DOT R02 ang mga ipinamalas na serbisyo, galing at talino ng mga Tourism Frontliners sa Rehiyon. Ilan sa mga ginawaran ay mga natatanging organisasyon, Establishment Owners, Tour guides, LGUs, at mga Tourism Officers.

Kasabay nito ang paglalahad ng mga accomplishment report ng bawat probinsiya sa nakaraang anim na taon. Ibinahagi naman ni EnP Jenifer Junio-Baquiran, Provincial Tourism Officer ng Cagayan ang mga nagawa at mga kasalukuyang programa ng Tourism Office ng Probinsiya.

Narito ang mga parangal na natanggap ng Cagayan.

🏆 Province of Cagayan: Award as Partner for Vaccination Drive of the Department of Tourism
🏆 EnP Jenifer Junio-Baquiran ( OIC-Cagayan Tourism Office) : Award for Provincial Tourism Officer
🏆 Palaui Environmental Protectors Association (Santa Ana, Cagayan):
🏅 ASEAN Community-Based Tourism Awardee
🏅 Longest running Federation Tourism Organisation
🏆 Ms. Gina T. Adducul (Tuguegarao City Tourism Officer) : Award for City Tourism Officer
🏆 Mr. Danny Utanes (Ballesteros, Cagayan) : Award for Harp making Industry
🏆 Mary Corrine P. Mamba ( President, Cagayan Valley Farm Tourism Organisation): Award for Regional Tourism Organisation)
🏆 Caranguian Integrated Farm ( Mr. Lorenzo Caranguian): Award for Launched AgriFarm Site
🏆 Santa Ana Tourism ( Sheryl Dianne Tabag) : Award for LGUs with launched Tourism Circuit
🏆 Tuguegarao City Tourism ( Gina Adducul): Award for LGUs with launched Tourism Circuit
🏆 Cagayan Economic Zone Authority: Award as Partner for Implementation of Programs of the Department of Tourism

Maligayang pagbati sa ating mga Cagayano Awardees! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon para sa mas malakas na pagbangon ng turismo sa Probinsiya ng Cagayan. Mabuhay 🎉

#CagayanTouREADsm #Cagayan #CavayanProvince #EndlessFUNCagayan #RTFAN2022 #YourIslandsAndValleyOfFUN #itsmorefuninthephilippines #itsmorefunwithYOU

GALLERY

Written by: Norway Ken Jesus